Mababang Kapulungan ng Amerika, pinagtibay ang mosyon para itigil ang 2002 AUMF

2021-06-18 13:32:48  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng pagboto, pinawalang-bisa nitong Huwebes, Hunyo 17, 2021 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang awtorisasyon para sa paggamit ng puwersang militar (AUMF) laban sa Iraq noong 2002 . Layon nitong limitahan ang kapangyarihan ng pangulo sa paggamit ng sandatahang lakas sa labas.
 

Sa isang pahayag na inilabas noong Hunyo 14, inihayag ng White House ang suporta sa nasabing mosyon.
 

Anang pahayag, kaunti ang epekto ng pagpapawalang-bisa ng nasabing awtorisasyon sa mga umiiral na aksyong militar ng Amerika. Makikipagkooperasyon anito ang pangulo sa kongreso, para halinhan ang awtorisasyon ng isang limitado’t espesipikong balangkas, upang matiyak ang patuloy na pangangalaga sa mga Amerikano laban sa mga bantang teroristiko.
 

Ayon sa konstitusyon ng Amerika, nabibilang sa kongreso ang kapangyarihan sa pagdeklara ng digmaan.
 

Ang AUMF laban sa Iraq ay nagkabisa simula noong Oktubre ng 2002. Batay rito, inilunsad ng Amerika ang digmaan laban sa Iraq noong 2003.
 

Pagkatapos nito, maraming beses na ginawang “batayang pambatas” ng paggamit ng pamahalaang Amerikano ng sandatahang lakas sa labas ang nasabing awtorisasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Jade

Please select the login method