Ipinadala kahapon, Hunyo 18, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Antonio Guterres bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN).
Sinabi ni Xi, na bilang pinaka-unibersal, pinaka-representatibo, at pinaka-awtorisadong organisasyong pandaigdig, mahalaga ang UN para sa mga pandaigdigang suliranin.
Umaasa aniya ang Tsina, na patuloy na ipapatupad ni Guterres ang mga tungkulin sa ilalim ng Karta ng UN, igigiit ang obdiyektibo at makatarungang paninindigan, pangangalagaan ang multilateralismo, at ibibigay ang mas malaking ambag para sa pandaigdigang kapayapaan at komong pag-unlad.
Editor: Liu Kai