Ayon sa datos na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 17, 2021 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, mula noong Enero hanggang Mayo, 280.62 bilyong yuan RMB (mga 43.64 bilyong dolyares) ang non-financial outbound direct investment (ODI) ng Tsina, at ito ay bumaba ng 5.3% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Kabilang dito, medyo mabilis ang paglaki ng pamumuhunan sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road. Mula noong Enero hanggang Mayo, umabot na sa 7.43 bilyong dolyares ang non-financial ODI ng Tsina sa nasabing mga bansa, at ito ay lumaki ng 13.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinakikita rin ng datos na noong unang limang buwan ng taong ito, 481 bilyong yuan RMB ang aktuwal na nagamit na foreign direct investment (FDI) ng Tsina, at ito ay lumaki ng 35.4%.
Kaugnay nito, tingin ni Gao Feng, tagapagsalita ng naturang ministri, nananatiling optimistiko pa rin ang mga mamumuhunang dayuhan sa prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at napakalaking nakatagong lakas ng merkadong Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Jade