CMG Komentaryo: Tatlong kahilingan, dapat panagutan ng Amerika

2021-06-24 11:31:51  CMG
Share with:

Bilang tugon sa patuloy na pagdungis ng mga opisyal na Amerikano sa Tsina hinggil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), hiniling ng Tsina na isagawa ang tatlong ganap na imbestigasyon hinggil sa Amerika.

 

Kabilang sa naturang imbestigasyon ang ganap na pagsusuri sa pinagmulan ng epidemiya ng COVID-19 sa Amerika, ganap na pagsusuri sa mga dahilan at mga dapat managot sa pagkabigo ng Amerika laban sa pandemiya, at ganap na imbestigasyon sa Fort Detrick at mahigit 200 bio labs na Amerikano sa iba’t ibang lugar ng daigdig.

 

Winika ito ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina bilang tugon sa pananalita ni Press Secretary Jen Psaki ng White House hinggil sa pandaigdig na pagsusuri sa pinanggalingan ng COVID-19. Ani Psaki, magkakasamang magsisikap ang Estados Unidos at mga kaalyado nito para magpataw ng kinakailangang presyon sa Tsina sa pagbibigay ng transparent na datos at akses.

 

Nauna rito, nagbanta naman si Jake Sullivan, National Security Adviser ng Estados Unidos na mahaharap ng Tsina ng “pagbubukod sa komunidad ng daigdig” kung hindi ito pahihintulutan ang di-umano’y “tunay” na pagsisiyasat sa pinanggalingan ng coronavirus.

 

Komong karunungan ng mga virologist na ang lugar na may unang naiulat na pagbagsak ng virus ay hindi maaari ang lugar na pinanggalingan ng virus.

 

Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng National Institutes of Health ng Amerika, noon pa mang Disyembre 2019, may coronavirus na sa Estados Unidos, ilang linggo bago opisyal na naiulat ang unang kaso. May katulad na ulat na nagpaaga ng timeline ng COVID-19 sa Europa.

 

Dahil dito, kailangang magtulungan ang komunidad ng daigdig at isagawa ang pananaliksik sa iba’t ibang lugar para malaman ang pinanggalingan ng virus.

 

Buong higpit na nakikipagtulungan ang Tsina sa World Health Organization (WHO), at dalawang beses na inanyayahan ng bansa ang grupo ng mga dalubhasa na pinangungunahan ng WHO, para isagawa ang pagsusuri sa Tsina.

 

Taliwas dito, hindi pa nagbubukas ang Amerika ng pinto nito para sa pagsusuri ng WHO.

 

Kung hindi ito makakatugon sa naturang mga tanong ng Tsina, ang Amerika naman ang mahaharap ng “pagbubukod ng komunidad ng daigdig.”

 

Salin: Jade

 

 

Please select the login method