Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

2021-06-24 11:47:19  CMG
Share with:

Karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_199788968_4699623940098239_422610992672213996_n

 

Dumating ngayong umaga, Hunyo 24, 2021, sa Ninoy Aquino International Airport ang karagdagang 2 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinovac ng Tsina.

 

Kabilang dito, 400,000 dosis ang binili ng pamahalaang lokal ng lunsod ng Manila. Ang mga iba ay binili ng national government.

 

Ito ang ika-12 pangkat ng bakuna ng Sinovac na dumating sa Pilipinas. Sa kabuuan, tinanggap ng Pilipinas ang 11 milyong dosis ng bakuna mula sa naturang kompanya.

 

Sinalubong nina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Department of Health Secretary Francisco Duque III, at Manila Mayor Isko Moreno ang naturang pangkat ng mga bakuna.

 

Editor: Liu Kai
Photo courtesy: PTV

Please select the login method