Senador Amerikano: Mapanganib ang pagtuturing ng Tsina bilang banta

2021-06-20 18:03:32  CMG
Share with:

Sinabi ni Senador Bernie Sanders ng Kongreso ng Amerika, na hindi dapat ituring ng sirkulong pulitikal ng Amerika ang Tsina bilang banta, at hindi dapat isagawa ng Amerika ang bagong Cold War laban sa Tsina.

 

Winika ito ni Sanders sa kanyang artikulong pinamagatang "Mapanganib na Bagong Pagkakasundo ng Washington sa Tsina," na inilabas kamakailan sa magasing Foreign Affairs ng Amerika.

 

Sinabi ni Sanders, na mapanganib ang pagkakaroon ng sirkulong pulitikal ng Amerika ng pagkakasundo na ang relasyong Amerikano-Sino ay zero-sum na komprontasyon sa kapwa kabuhayan at militar.

 

Dagdag niya, ang pagpapalaganap ng ideyang ito ay lilikha ng isang kapaligirang pulitikal, kung saan mahirap na isasakatuparan ang kooperasyon na kailangang-kailangan ngayon sa buong daigdig.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method