Tsina, positibo sa pagbawi ng Ukraine ng lagda sa magkasanib na pahayag kontra Tsina

2021-06-27 15:29:11  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Hunyo 26, 2021, ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang positibong pagtasa ng kanyang bansa sa pagbawi ng Ukraine ng lagda sa isang magkasanib na pahayag na inilabas ng Canada at ilan pang bansa, sa ika-47 sesyon ng Konseho sa Karapatang Pantao ng United Nations (UNHRC), bilang pagpuna sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina.

 

Sinabi ng tagapagsalita, na sa pamamagitan ng naturang aksyon, ipinahayag ng Ukraine ang malinaw na paninindigan ng di pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Kasabay nito aniya, sa kasalukuyang sesyon ng UNHRC, sumusuportahan ang mahigit 90 bansa sa Tsina kaugnay ng isyu ng karapatang pantao. Dahil dito, nabigo ang tangka ng ilang bansang kanluranin na siraang-puri ang Tsina sa pamamagitan ng di-umanong mga isyu ng Xinjiang, Hong Kong, at Tibet, diin ng tagapagsalita.

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method