Ibayo pang pagpapasulong ng pandaigdig na pagtutulungan sa bakuna’t berdeng pag-unlad, pinagkasunduan ng mga bansang Asya-Pasipiko

2021-06-25 11:54:33  CMG
Share with:

Idinaos nitong Miyerkules, Hunyo 23, 2021 ang Asia and Pacific High-level Conference on Belt and Road Cooperation, sa pamamagitan ng videolink.

 

Lumahok dito ang mga kinatawan mula 29 bansa na kinabibilangan ng Tsina’t Pilipinas at anim na organisasyong pandaigdig na gaya ng United Nations.

 

Narating ng mga kalahok ang anim na puntong komong palagay at dalawang inisyatibang pangkooperasyon.

 

Ito ang isinalaysay ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Hunyo 24.

 

Ang anim na komong palagay ay ang mga sumusunod:

 

Una, kinilala ng mga kalahok ang mga natamong bunga sa sinerhiya ng Belt and Road Initiative (BRI) at mga estratehiya’t planong pangkaunlaran ng iba’t ibang bansa. Umaasa silang mapapahigpit ang partnership para mapasulong ang pagtutulungan sa ilalim ng BRI at kani-kanilang mga pambansang planong pangkaunlaran.

 

Pangalawa, kailangang magkapit-bisig ang komunidad ng daigdig para magkakasamang tugunan ang pandemiya ng COVID-19, kasalukuyang pinakamalaking hamon ng buong mundo.

 

Pangatlo, dapat ibayo pang palakasin ang pandaigdigang kooperasyon sa bakuna laban sa COVID-19 at pasulungin ang pantay na pamamahagi bilang pandaigdig na panindang pampubliko sa lahat ng mga bansa, lalong lalo na sa mga umuunlad na bansa.

 

Pang-apat, dapat bigyan ng priyoridad ang berdeng pag-unlad na nagtatampok sa kooperasyon sa berdeng imprastruktura, berdeng enerhiya, berdeng pinansya at iba pa.  

 

Panlima, kailangang suportahan ang cross-border na daloy ng mga paninda at tao, at liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan.

 

Pang-anim, dapat pahalagahan ang pagpapabilis ng pagpapatupad sa UN 2030 Agenda for Sustainable Development at multilateralismo.

 

Ang una sa dalawang inisyatiba ay ang Initiative for Belt and Road Partnership on COVID-19 Vaccines Cooperation. Nanawagan ito sa pagtutulungan sa pananaliksik at pagdedebelop (R&D), at produksyon at pamamahagi ng bakuna, at pagpapasulong ng accessibility at affordability ng bakuna sa buong mundo, lalo na sa mga umuunlad na bansa.

 

Ang pangalawa ay Initiative for Belt and Road Partnership on Green Development na nagtatampok sa pagpapasulong ng berde, low-carbon at sustenableng pag-unlad sa iba’t ibang larangan na gaya ng imprastruktura, enerhiya, pinansya, at iba pa.

 

Salin: Jade  

Please select the login method