Idinaos nitong Lunes gabi, Hulyo 5, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina, Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya ang virtual summit.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, nananatiling mahigpit pa rin ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa buong daigdig, at di-malinaw ang prospek ng pagbangon ng kabuhayan.
Ani Xi, kumpara sa nagdaang panahon, mas kinakailangan ng daigdig ang paggagalangan at pagtutulungan sa isa’t-isa sa halip ng pagdududa, panggugulo at zero-sum game. Umaasa aniya siyang mapapalawak ng Tsina at Europa ang kanilang pagkakasundo at kooperasyon para mapatingkad ang mahalagang papel sa maayos na pagharap sa mga hamong pandaigdig.
Para rito, iniharap ng pangulong Tsino ang 4 na mungkahing kinabibilangan ng una, dapat igiit ang tamang kaalaman sa isa’t-isa; ikalawa, dapat palawakin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan; ikatlo, dapat igiit ang tunay na multilateralismo; ikaapat, dapat igiit ang pagtatatag ng relasyon ng mga malaking bansa na may katatagan sa kabuuan at balanseng pag-unlad.
Ipinahayag naman ni Macron na nitong mga taong nakalipas, natamo ng Tsina ang napakalaking bunga ng pag-unlad. Patuloy aniyang isusulong ng panig Pranses ang pakikipagkooperasyon sa Tsina na may pragmatikong atityud, at kinakatigan ang pagkakaroon ng kasunduang pampamumuhunan ng Europa at Tsina.
Binigyang-puri niya ang ginagampang mahalagang papel ng Tsina sa pantay na pagkakaroon ng mga umuunlad na bansa ng mga bakuna.
Samantala, sinabi naman ni Merkel na napakahalaga ng relasyong Europeo-Sino, at maraming komong palagay ang kapwa panig. Dapat aniyang igalang ng kapwa panig ang isa’t–isa at bawasan ang kanilang pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang tatlong lider tungkol sa mga isyung tulad ng isyung nuklear ng Iran, Afghanistan, at Myanmar.
Salin: Lito
Pulido: Mac