Sa sidelines ng Ika-47 Sesyon ng United Nations Human Right Council (UNHRC) na ginaganap sa Geneva, Switzerland, idinaos kahapon, Hulyo 2, 2021, ng Pirmihang Misyon ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva at mga misyon ng ilang ibang bansa, ang video conference tungkol sa paglapastangan sa karapatang pantao sa mga detetion center para sa mga imigrante sa Amerika.
Sinabi ni Chen Xu, Embahador ng Misyong Tsino, na nitong ilang taong nakalipas, bukas na ipinahayag ng ilang organo ng UN ang pagkabahala sa mga patakaran sa imigrasyon ng Amerika at kalagayan ng karapatang pantao ng mga imigrante sa bansang ito.
Dagdag niya, sa kasalukuyang sesyon ng UNHRC, ipinahayag naman ng maraming bansa ang pagkabahala sa umiiral na paglapastangan sa mga karapatan ng mga imigrante sa Amerika, at hiniling nila sa panig Amerikano na lutasin ang isyung ito sa lalong medaling panahon.
Editor: Liu Kai