Sa Ika-47 Sesyon ng United Nations Human Right Council (UNHRC) na ginaganap sa Geneva, Switzerland, ipinahayag kahapon, Hulyo 2, 2021, ng kinatawang Tsino ang lubos na pagkabahala sa tuluy-tuloy na pagpapalaganap ng Amerika ng mga pekeng impormasyon at paglapastangan sa kalayaan sa pagsasalita.
Sinabi ng kinatawang Tsino, na dahil sa mga layuning pulitikal, pinalalaganap ng Amerika ang mga pekeng impormasyon kaugnay ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at mga suliranin ng Hong Kong ng Tsina. Nagdulot aniya ang mga ito ng grabeng resultang gaya ng pagtatangi at mga krimen ng pagkapoot sa mga Asyano at pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Dagdag niya, hinihimok ng Tsina ang Amerika, na itigil ang pagpapalaganap ng mga pekeng impormasyon, at hindi isagawa ang double standard at pulitisisasyon sa isyu ng karapatang pantao.
Editor: Liu Kai