Xi Jinping, bumati sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng South-South Cooperation Assistance Fund at ISSCAD

2021-07-08 15:47:04  CMG
Share with:

Isang liham ang ipinadala Huwebes, Hulyo 8, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, bilang pagbati sa ika-5 anibersaryo ng pagkakatatag ng South-South Cooperation Assistance Fund at Institute of South-South Cooperation and Development (ISSCAD).
 

Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na 5 taon, aktibong kinatigan ng nasabing assistance fund ang pagpapatupad ng mga umuunlad na bansa ng 2030 Agenda for Sustainable Development, pagharap sa makataong krisis, at pagsasakatuparan ng kaunlaran at pagbabawas ng karalitaan. Nagpunyagi rin aniya ang ISSCAD para sa pagbabahagi ng karanasan ng Tsina at mga umuunlad na bansa sa pangangasiwa ng bansa, at pagsasanay ng mga high-end talent para sa mga pamahalaan ng mga umuunlad na bansa.
 

Diin ni Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng mga umuunlad na bansa, na ibayo pang pasiglahin ang nakatagong lakas ng South-South Cooperation, at tamasahin ang pagkakataong pangkaunlaran.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method