50 taong relasyong Sino-Amerikano, pinakinabangang ng mga mamamayan ng kapwa bansa-Pangalawang Pangulong Tsino

2021-07-10 16:03:15  CMG
Share with:

图片默认标题_fororder_wang qishan

 

Ipinahayag ni Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina ang pag-asang walang humpay na mapapalawak ng Tsina’t Amerika ang komong interes, batay sa bagong mga kondisyon at pagbabago ng kaisipan, para maiwasan mauwi sa paulit-ulit na maling paghuhusga at maling patnubay.

 

Winika ito ni Wang sa pulong bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagdalaw ni Dr. Henry Kissinger, dating Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Amerika, na naganap Biyernes, Hulyo 9, 2021.

 

Ani Wang, bunga ng biyahe ni Kissinger, dumalaw sa Tsina si dating Pangulong Richard Nixon at inilabas ng Tsina’t Amerika ang Shanghai Communique noong 1972.

 

Nitong 50 taong nakalipas, umaabante ang relasyong Sino-Amerikano sa kabila ng mga pagbabago, bagay na nagdudulot ng malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa at nagpapasulong din ng kapayapaan, kasaganaan at katatagan ng daigdig, dagdag pa ni Wang.

 

Ang pag-unlad ng Tsina ay nagsisilbing oportunidad para sa buong mundo, at dapat magkapartner ang Tsina’t Amerika para sa mutuwal na kaunlaran, diin ng pangalawang pangulong Tsino.

 

Nanawagan din si Wang sa dalawang bansa na palakasin ang  pagpapalitan ng mga mamamayan para mapatibay ang suportang di-pampamahalaan ng mga bilateral na relasyon.

 

Ang pulong na nasa magkasamang pagtataguyod ng Chinese People's Institute of Foreign Affairs at National Committee on U.S.-China Relations, ay dinaluhan kapwa sa online at onsite ng mahigit 300 tauhan mula sa iba’t ibang sektor ng Tsina at Amerika.

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method