Tsina sa Amerika: Gawin ang tamang pagpili para sa pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan

2021-07-10 15:21:14  CMG
Share with:

Muling ipinahayag ng Tsina ang pag-asa na gagawin ng Amerika ang tamang pagpili o desisyon at magsikap kasama ng Tsina para maisakatuparan ang mapayapang pakikipamuhayan at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ito ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng pagdalaw sa bansa ni Dr. Henry Kissinger na natapat Hulyo 9, 2021.

 

Sa regular na preskon nang araw ring iyon, sinabi ni Wang na salamat sa pagsisikap ni Dr. Kissinger at mga lider na Tsino’t Amerikano limang dekada na ang nakakaraan, nagbukas ang pinto ng panibagong pagpapalitan ng dalawang bansa. Nagdulot ito ng malalim at positibong impluwensiya sa Tsina’t Amerika at buong mundo, dagdag pa ni Wang.

 

Ipinakikita aniya nitong sa kabila ng pagkakaiba sa sistemang panlipunan, kasaysayan, kultura at tradisyon, kung mananangan ang Tsina’t Amerika sa tumpak na direksyon ng ugnayan ng dalawang bansa, batay sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong mundo, maisasakatuparan nila ang mapayapang pakikipamuhayan at win-win na kooperasyon.

 

Sa kasalukuyan, nasa bagong pangkasaysayang sangang-daan ang  relasyong Sino-Amerikano. Umaasa ang Tsina na tatanggapin ng Amerika ang  pangkalatahang pandaigdigang tunguhin ng kasalukuyang panahon para magawa ang tamang pagpili.  

 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac 

Please select the login method