Resolusyong iniharap ng Tsina tungkol sa karapatang pantao, pinagtibay ng UNHRC

2021-07-13 15:56:51  CMG
Share with:

Pinagtibay nitong Lunes, Hulyo 12, 2021 ng ika-47 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyong “Ambag ng Pag-unlad sa Pagtatamasa ng Lahat ng Karapatang Pantao ” na iniharap ng Tsina.

Binigyang pansin ng resolusyong ito ang ginagampang importanteng papel ng ingklusibo at sustenableng kaunlaran sa pagtatamasa ng lahat ng karapatang pantao. Dapat anitong magsikap ang iba’t-ibang bansa para matugunan ang pangarap ng mga mamamayan sa magandang pamumuhay.

Tinatanggap nito ang ginagawang napakalaking pagsisikap ng iba’t-ibang bansa at pinapurihan ang kanilang natamong bunga sa mga aspektong tulad ng pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, at pagpawi sa karalitaan.

Hinihimok din nito ang iba’t-ibang bansa na isakatuparan ang kaunlarang gawing sentro ang mga mamamayan.

Ipinahayag ni Chen Xu, pirmihang kinatawang Tsino sa Geneva, na ang pag-unlad ay temang walang maliw o eternal theme ng sangkatauhan. Ito rin aniya ay susi para malutas ang lahat ng problema.

Saka lamang maisasakatuparan ang mas mabuting kaunlaran, mas mabuting mapapasulong at mapangangalagaan ang karapatang pantao, diin pa niya.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method