Tsina, nagkaloob ng pinakamaraming bakuna kontra COVID-19 sa mga umuunlad na bansa

2021-07-13 14:37:14  CMG
Share with:

Isinalaysay nitong Lunes, Hulyo 12, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, ipinagkaloob ng Tsina ang mahigit 500 milyong dosis ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at concentrates sa mahigit 100 bansa at organisasyong pandaigdig. Ito aniya ay katumbas ng 1/6 ng kabuuang output ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo.
 

Tinukoy ni Zhao na pinakamarami sa daigdig ang bilang ng mga bakunang ipinagkaloob ng Tsina sa mga umuunlad na bansa.
 

Sa ilalim ng pagkatig ng pamahalaang Tsino, sinimulan na ng mga kompanyang Tsino ang magkasamang pagpoprodyus ng bakuna sa mga bansang gaya ng United Arab Emirates (UAE), Indonesia, Malaysia, Ehipto, Brazil, Turkey, Pakistan, Mexico at iba pa, at lumampas na sa 200 milyong dosis ang production capacity, dagdag niya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method