Batas sa Pambansang Seguridad, pinatutunayang mahalaga para sa Hong Kong

2021-07-16 21:51:02  CMG
Share with:

Batas sa Pambansang Seguridad, pinatutunayang mahalaga para sa Hong Kong_fororder_微信图片_20210716194840

 

Idinaos ngayong araw, Hulyo 16, 2021, sa Beijing, ang talakayan tungkol sa kalagayan ng unang taong pagsasagawa ng Batas sa Pambansang Seguridad sa Hong Kong.

 

Sa kanyang talumpati sa talakayan, tinukoy ni Xia Baolong, Direktor ng Tanggapan sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao ng Konseho ng Estado, na nitong nakalipas na isang taon, natapos ang kaguluhan at kaligaligan sa Hong Kong, at napanumbalik ang matatag na lipunan.

 

Ito aniya ay patunay na ang naturang batas ay malakas na garantiya sa katiwasayan, katatagan, at katahimikan ng Hong Kong, at nakakabuti rin sa pamamahala ng Hong Kong alinsunod sa batas.

 

Dagdag ni Xia, sa ilalim ng naturang batas, inaasahang magiging mas maunlad at masagana ang Hong Kong, ibayo pang mapapasulong ang demokratikong sistema, at mas mabuting isasagawa ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema," at "pamamahala ng mga makabayan sa Hong Kong."

 

Editor: Liu Kai

Please select the login method