Inilabas kamakailan ng isang geospatial imagery company ng Amerika ang ulat na nagsasabing itinapon ng mga bapor na Tsino sa may Nansha Islands ang sewage o inipong dumi mula sa imburnal. Iniimbestigahan na ng panig Pilipino ang insidenteng ito.
Pero ang litratong ginamit sa nasabing ulat ay isang bapor sa Great Barrier Reef ng Australia na kinuha noong 2014, sa halip ng bapor na Tsino.
Bilang tugon dito, sinabi nitong Huwebes, Hulyo 15, 2021 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na tinututulan ng Tsina ang anumang pagbaluktot sa katotohanan, pagkakalat ng maling impormasyon, at paglabag sa etikang propesyonal ng kompanyang Amerikano.
Inihayag niya ang mariing kondemnasyon dito ng panig Tsino.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng ibang bansa sa rehiyon na isaisang-tabi ang mga hadlang, at magkasamang pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Salin: Vera
Pulido: Mac