Ipinadala kahapon, Hulyo 16, 2021, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensaheng pambati sa pagbubukas ng Ika-44 na Sesyon ng World Heritage Committee ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), sa Fuzhou, punong lunsod ng lalawigang Fujian sa silangan ng Tsina.
Sinabi ni Xi, na ang mga kultural at likas na pamana sa daigdig ay mahahalagang bunga ng pag-unlad ng sibilisasyon ng sangkatauhan at ebolusyon ng kalikasan, at ang mahusay na pangangalaga, mabuting pagpapamana, at maayos na paggamit ng mga ito ay komong responsibilidad ng lahat.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa at UNESCO, na palakasin ang kooperasyon, palalimin ang diyalogo, at pasulungin ang pag-aaral sa isa't isa, para suportahan ang usapin ng proteksyon sa mga pandaigdigang pamana, pangalagaan ang mga kultura at likas na kayamanan, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos