Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 31 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Linggo, Hulyo 18, 2021.
Kabilang dito, 26 ang galing sa labas ng bansa, at 5 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Yunnan.
Hanggang magha-hating gabi ng Hulyo 19, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 565.
Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
Salin: Vera
Pulido: Rhio