48, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hulyo 22; 12, domestikong kaso

2021-07-23 15:12:56  CMG
Share with:

48, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hulyo 22; 12, domestikong kaso_fororder_20210722COVID

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 48 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Hulyo 22, 2021.
 

Kabilang dito, 36 ang galing sa labas ng bansa, at 12 naman ang domestikong kasong naitala sa Lalawigang Jiangsu.
 

Samantala, 3 ang bagong pinaghihinalaang kaso galing sa labas ng bansa.
 

Sa loob ng 24 na oras nitong Hulyo 22, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 663.
 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method