CMG Komentaryo: Panig Amerikano, dapat ipatupad muna ang dalawang listahan ng panig Tsino

2021-07-27 16:13:39  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Panig Amerikano, dapat ipatupad muna ang dalawang listahan ng panig Tsino_fororder_20210727Sherman

Tianjin, Tsina—Nag-usap nitong Lunes, Hulyo 26, 2021 sina Xie Feng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Wendy Sherman, dumadalaw na Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
 

Sa nasabing pag-uusap, solemnang inilahad ng panig Tsino ang simulain at paninindian sa relasyong Sino-Amerikano, hiniling sa panig Amerikano na itigil ang mga aksyon sa 4 na aspekto, iniharap ang dalawang listahan ng mga pangunahing pagkabahala ng Tsina, at hinimok ang panig Amerikano na iwasto ang napakamaling pagkaunawa sa Tsina at labis na mapanganib na patakaran sa Tsina.
 

Maliwanag ang pagkabahala at paninindigan ng panig Tsino sa di-paborableng kalagayan ng relasyong Sino-Amerikano. Dapat isabalikat ng Amerika ang lahat ng mga pananagutan ng pagsadlak ng bilateral na relasyon sa kasalukuyang deaklock.
 

Sa isang banda, muling inihayag ng Tsina ang mariing kawalang kasiyahan sa mapanganib na probokasyon ng panig Amerikano sa mga isyung gaya ng paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus, at mga isyung may kinalaman sa Taiwan, Xinjiang, Hong Kong at South China Sea.
 

Hiniling ng panig Tsino sa panig Amerikano na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, itigil ang pagpinsala sa kapakanan ng Tsina, itigil ang paglampas sa red line at probokasyon, at itigil ang bloc confrontation sa katwrian ng values.
 

Sa kabilang banda naman, hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na iwasto ang labis na maling pagkaunawa sa Tsina. Kabilang sa nabanggit na dalawang listahan ng mga pangunahing pagkabahala ng Tsina, mga maling nilalaman ng patakaran, pananalita at aksyong nakakatuon sa Tsina na dapat iwasto ng Amerika, at mayroon ding mahahalagang kasong ikinababahala ng Tsina.
 

Makatwiran at lehitimo ang mga kahilingan ng Tsina sa Amerika gaya ng walang pasubaling pag-alis ng restriksyon sa visa ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at kani-kanilang kamag-anakan, pagsuspendi ng “ilegal na sangsyon” laban sa Tsina, at pagkansela ng ekstradisyon kay CFO Meng Wanzhou ng Huawei Technologies Co. Ltd at iba pa, bagay na nagbibigay-lunas sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Amerikano.
 

Kung tunay ang pananabik ng panig Amerikano na lagyan ng “guardrail” ang relasyong Sino-Amerikano, dapat tugunin ang naturang dalawang listahan ng panig Tsino, agarang iwasto ang mga maling patakaran, at alisin ang mga hadlang para sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method