Ayon sa resulta ng global online poll ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) ng China Media Group na inilabas nitong Lunes, Hulyo 26, 2021 ipinalalagay ng 80% netizen sa buong mundo na isinapulitika ang isyu ng paghahanap ng pinagmulan ng coronavirus.
Ang nasabing poll ay isinagawa sa pamamagitan ng mga opisyal na lengguwahe ng United Nations (UN) na kinabibilangan ng wikang Tsino, Ingles, Ruso, Pranses, Espanyol at Arabic.
Hanggang alas-10 ng gabi nitong Linggo, ayon sa mga netizen sa Twitter, 90% sa mga netizen na nagsasalita ng Espanyol ang sumasangayon na naisapulitika ang isyu ng paghahanap ng pinanggalingan ng coronavirus; Samantala, sang-ayon dito ang 88% ng netizen na nagsasalita ng Pranses, 83% ng mga nagsasalita ng Ruso, 70% ng nagsasalita ng Ingles, at 68% ng mga nagsasalita ng Arabic.
Sa Facebook, karaniwang 83% ng netizen ang sumang-ayong naisapulitika ang nasabing isyu.
At sa Chinese Weibo, may ganitong palagay ang 95% netizen.
Ayon sa pag-aanalisa ng CGTN Think Tank, kabilang sa mga komento ng mga netizen sa iba’t ibang sulok ng mundo, madalas na lumitaw ang mga keyword na gaya ng “presyur na pulitikal,” “sangsyon ng Amerika,” “pagkontrol ng media,” “kompensasyong ekonomiko,” “paghadlang sa pag-unlad ng Tsina,” at iba pa.
Kabilang sa tatlong tanong ng nasabing poll, ang ika-2 tanong ay “Sinusuportahan ba ninyo o hindi ang imbestigasyon sa pinagmulan ng COVID-19 sa maraming bansa?”
Ipinakikita ng resulta ng poll na suportado ito ng 83% ng netizen sa Twitter, 79% g netizen sa Facebook, at 93% ng netizen sa Chinese Weibo.
Kaugnay ng pinakapangkagipitang gawain ngayon sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 sa buong mundo, pinili ng mga netizen ang mga gawain sa tatlong aspektong kinabibilangan ng pagpapalawak ng suplay ng bakuna, pagpapabilis ng paggamot, at pagsasagawa ng lockdown sa mga rehiyong may pagsiklab ng pandemiya.
Ang agarang paghahanap ng pinagmulan ng virus ay pagpili ng kaunting ng mga netizen na sumali sa survey.
Salin: Vera
Pulido: Mac