Xie Feng: Pagtuturing ng ilang Amerikano sa Tsina bilang kaaway, sanhi ng pagsadlak sa deadlock ng relasyong Sino-Amerikano

2021-07-26 16:32:44  CMG
Share with:

Hulyo 26, 2021, Tianjin, lunsod gawing hilaga ng Tsina – Sa kanyang pakikipag-usap kay Wendy Sherman, dumadalaw na Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika, sinabi ni Xie Feng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyan, sumasadlak sa deadlock ang relasyong Sino-Amerikano, at ang saligang sanhi nito ay ang pagtuturing ng ilang Amerikano sa Tsina bilang “kaaway.”
 

Aniya, nitong nakalipas na panahon, pinalaki ng ilang Amerikano ang di-pagkaka-unawaan sa pagitan ng Tsina at Amerika, at sa prosesong ito, lumawak din ang mga hamong kinakaharap ng Amerika.
 

Ine-enkorahe rin aniya ng buong pamahalaan at lipunan ng Amerika ang komprehensibong paninikil sa Tsina – na para bang kung masusugpo ang pag-unlad ng Tsina, malulutas ang lahat ng mga problema sa loob at labas ng Amerika.
 

Hinimok ni Xie ang panig Amerikano na baguhin ang ganitong napakamaling kaisipan at napakamapanganib na patakaran laban sa Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method