Tsina at Amerika, dapat magtagpo sa gitna tungo sa komong kapakanan ng buong daigdig —pangalawang ministrong panlabas ng Tsina

2021-07-26 16:30:31  CMG
Share with:

Tianjin, Tsina—Nag-usap Lunes, Hulyo 26, 2021 sina Xie Feng, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Wendy Sherman, dumadalaw na Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika.
 

Sinabi ni Xie na kailangang-kailangan ng kasalukuyang daigdig ang pagkakaisa at pagtutulungan.
 

Aniya, hangad ng mga mamamayang Tsino ang kapayapaan, at aktibong pinapasulong ang pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig na may paggagalangan, katarungan, kooperasyon, at win-win na resulta, at komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

Tsina at Amerika, dapat magtagpo sa gitna tungo sa komong kapakanan ng buong daigdig —pangalawang ministrong panlabas ng Tsina_fororder_20210726SinoUS

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Amerikano, na magkapantay na pakitunguhan ang isa’t isa, at hanapin ang landas na maaring magkasamang tahakin, habang isinasa-isantabi ang pagkakaiba.
 

Ipinagdiinan pa niyang, dapat magtagpo sa gitna ang panig Tsino at Amerikano, dahil ang malusog at matatag na relasyong Sino-Amerikano ay hindi lamang angkop sa kapakanan ng kapuwa panig, kundi komong pananabik din ng komunidad ng daigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method