CMG Komentaryo: pagsasapulitika ng imbestigasyon sa pinagmulan ng virus, magkakasamang tinututulan ng mga netizen ng mundo

2021-07-29 15:31:23  CMG
Share with:

Malawakang pansin ng komunidad ng daigdig ang natatawag ngayon ng resulta ng isang isang online poll na inilabas kamakailan ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN).
 

Ipinakikita nitong ayon sa pananaw ng 80% ng mga kasaling netizen sa buong mundo, naisapulitika ang isyu ng paghahanap sa pinanggalingan ng coronavirus.
 

Ayon pa rito, kinikilala rin ng mga respondent na dapat isagawa ang origin-tracing sa maraming lokasyon sa daigdig.
 

Makikita sa resulta ng nasabing poll, na ang masamang aksyon ng ilang bansang kanluranin sa pamumuno ng Amerika ay taliwas sa mithiin ng mga mamamayan, at hindi sumusunod sa agos ng panahon, na gumagalang sa siyensiya at pagbuklud-buklod para labanan ang pandemiya.
 

Noong katapusan ng Marso, pagkatapos ng imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus sa Tsina, magkasanib na inilabas ng World Health Orgnaization (WHO) at panig Tsino ang ulat kung saan tumutukoy na “extremely unlikely” o malayong mangyari na nanggaling sa laboratoryong Tsino ang coronavirus.
 

Iminungkahi rin ng nasabing ulat ang patuloy na paghahanap sa mga mas maagang posibleng kaso ng pandemiya sa buong daigdig.
 

Pero sa kabila nito, nagbubulag-bulagan ang ilang bansang gaya ng Amerika sa pagiging siyentipiko ng nasabing ulat, at isinapulitika ang isyu ng paghahanap ng pinagmulan ng virus, sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan.
 

Layon ng ilang Amerikano na ibaling sa Tsina ang sariling pananagutan sa di-mabisang pagkontrol sa pandemiya, at siraan at sugpuin ang pag-unlad ng Tsina.
 

Ang ganitong maruming panlilinlang na pulitikal ay hindi lamang humadlang sa kaayusan ng paghahanap sa pinanggalingan ng virus sa buong mundo, kundi nakapinsala rin sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya.
 

Sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa Direktor Heneral ng WHO o indipendiyenteng pahayag, ipinagdiinan kamakailan ng halos 60 bansa na hindi dapat isapulitika ang isyu ng origin-tracing.
 

Dapat anilang pakinggan ng ilang personaheng Amerikano’t kanluranin ang makatarungang pananaw, pagbatikos at mungkahi ng mga netizen ng buong mundo, at agarang itigil ang manipulasyong pulitikal at pagpasa ng pananagutan sa ibang panig sa isyu ng origin-tracing.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method