Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, naitala kahapon, Hulyo 30, 2021, sa Chinese mainland ang 30 bagong domestikong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at 25 bagong kumpirmadong kaso galing sa labas ng bansa.
Sa 30 domestikong kaso, 19 ang nasa lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina. Samantala, 6 na kaso ang nasa lalawigang Hunan, 2 ang nasa Munisipalidad ng Chongqing, at tig-isa naman ang mula sa mga lalawigang Liaoning, Fujian at Sichuan.
Ipinakikita nitong, ang Delta variant na unang ikinalat ng international flight sa Nanjing, punong lunsod ng lalawigang Jiangsu, ay nakaabot sa maraming lugar ng Tsina, pangunahin na, sa pamamagitan ng paglalakbay ng mga domestikong turista.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos
49, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland: 24, domestikong kaso
86 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland; 55 domestikong kaso
76, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Hulyo 25; 40, domestikong kaso
5 bagong domestikong kaso ng COVID-19, naitala sa Chinese mainland