Paninirang-puri batay sa personal na kapakanang pulitikal: tugon ng Tsina sa pagpapalaganap ng pekeng impormasyon sa pinagmulan coronavirus

2021-08-04 16:06:35  CMG
Share with:

Ayon sa ulat na isiniwalat nitong Lunes, Agosto 2, 2021 ni Representative Michael McCaul, Lead Republican ng US House Foreign Affairs Committee, na may lubos di-umanong ebidensya na nagpapakitang inilabas mula sa Wuhan Institute of Virology (WIV) noong Setyembre ng 2019 ang coronavirus.
 

Ang nasabing instituto ay nagsagawa ng gain-of-function research, sa ilalim ng pondo ng pamahalaang Tsino’t Amerikano at patnubay ng dalubhasang Amerikano.
 

Bilang tugon, inihayag kahapon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang kaukulang ulat ay batay sa nilutong kasinungalingan at pinilipit na katotohanan, at wala itong siyentipikong kredibilidad.
 

Saad ng tagapagsalitang Tsino, ang kilos ng kaukulang kongresistang Amerikano ay purong paninirang-puri sa panig Tsino, batay sa personal na kapakanang pulitikal.
 

Buong tatag na tinututulan at mariing kinokondena aniya ng Tsina ang ganitong imoral at masamang kilos.
 

Dagdag ng tagapagsalitang Tsino, hinihimok ng Tsina ang Amerika na igalang ang katotohanan at siyensiya, pag-ukulan ng pansin ang paglaban sa pandemiya at pagliligtas ng mga buhay, at itigil ang manipulasyong pulitikal at pagbaling ng pananagutan sa ibang panig, sa katwiran ng pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method