Natapos nitong Linggo, Agosto 8, 2021, sa Tokyo, Hapon, ang Ika-32 Summer Olympics.
Sinabi ni Thomas Bach, Presidente ng International Olympic Committee (IOC), na ang kasalukuyang Olimpiyada ay may pinakamalaking hamon at walang katulad na Olimpiyada sa kasaysayan, at nakapaghatid ito ng kompiyansa at tiwala sa kinabukasan para sa mga mamamayan ng buong mundo.
Dahil sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinagpaliban nang isang taon ang pagdaraos ng Tokyo Olympic Games, at ginanap ito sa kondisyon ng walang manonood.
Sa kabila ng iba’t ibang kahirapan at hamong dulot ng pandemiya, 65 delegasyon ang nagwagi ng mga medalyang ginto, at 93 delegasyon naman ang nagkaroon ng medalya.
Kabilang dito, sa pamamagitan ng 38 medalyang ginto, 32 pilak, at 18 tanso, nakuha ng Tsina ang ikalawang puwesto sa talaan ng medalya.
Nasungkit naman ng Pilipinas ang 1 ginto, 2 pilak at 1 tanso.
Ang kapipinid na Olimpiyada ay kauna-unahang Olimpiyada, pagkaraang idagdag ang “together” sa Olympic Motto.
Walang isla ang nakahiwalay sa daigdig. Sa harap ng mga komong hamong gaya ng paglaban sa pandemiya ng COVID-19, pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, pagresolba sa pagbabago ng klima, kailangang magbuklud-buklod at magtulungan ang sangkatauhan, habang isinasa-isantabi ang pagkakaiba.
Kung mas mahigpit na magbubuklud-buklod, saka lamang magiging mas mataas, masa mabilis at mas malakas ang sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Tokyo Olympics, ipininid: pag-asa, napalaganap sa pamamagitan ng palakasan
Mga pampabuwenas at pampagaan ng kalooban ng mga atleta sa 2020 Tokyo Olympics
Pagtatayo ng pangunahing estruktura ng Museo ng Kultura ng Yelo’t Niyebe ng Chongli, tapos na
Hidilyn Diaz, nasungkit ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olimpiyada