Inilabas nitong Lunes, Agosto 9, 2021 ng tatlong kilalang think tank ng Tsina ang ulat na pinamagatang “Nangunguna ba ang Amerika? Katotohanan Hinggil sa Paglaban ng Amerika sa COVID-19.”
Ang nasabing detalyadong ulat na magkakasanib na inilabas ng Chongyang Institute for Financial Studies ng Renmin University, Taihe Institute, at Intellisia Institute ang kauna-unahang ulat sa daigdig na nagbubunyag ng kabiguan ng Amerika kontra pandemiya.
May limang artikulo at 20 bahagi ang nasabing ulat.
Batay sa istriktong pananaliksik, tunay na datos at obdyektibong paninindigan, pinuna ng ulat bilang malaking kalokohan ang COVID resilience ranking ng Bloomberg.
Tinukoy ng ulat na sa kabila ng katotohanan, ipinalalagay ng ilang American media na nanguna sa daigdig ang paglaban ng Amerika sa pandemiya, bagay na hindi lamang taliwas sa pundamental na etika ng sangkatauhan, kundi hindi rin makakatulong sa tunay at obdyektibong pakikitungo ng mga tao sa hinaharap hinggil sa nangyayaring kasaysayan ngayon.
Ibinunyag ng ulat na ang kakulangan sa common sense at kaalamang siyentipiko ng pamahalaang Amerikano ay direktang sanhi ng kabiguan ng Amerika sa paglaban sa pandemiya.
Tinukoy rin ng ulat na ang conspiracy theory hinggil sa pinanggalingan ng coronavirus ay nagpasidhi ng pang bullying at poot sa mga Asyano.
Palagay ng ulat, sadya ang ginagawang pagsira ng Amerika sa pandaigdigang sigasig laban sa pandemiya. May di-matatalikdang pananagutan ang Amerika sa pagkalat ng pandemiya sa buong mundo. At kumpara sa coronavirus, ang mas nakamamatay na virus ay origin-tracing terrorism na pinapasulong ng Amerika.
Salin: Vera
Pulido: Mac