Mga naoospital na batang Amerikano, pinakamarami sa kasaysayan

2021-08-10 12:07:16  CMG
Share with:

Matindi ang paglala ng sitwasyon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
 

Kasabay ng mabilis na pagkalat ng Delta variant, malinaw na tumaas ang bilang ng mga naoospital na batang Amerikano dahil sa pagkahawa sa COVID-19.

Mga naoospital na batang Amerikano, pinakamarami sa kasaysayan_fororder_20210810batangAmerikano

Ayon sa datos ng National Institutes of Health (NIH) ng Amerika, sa kasalukuyan, 1,450 batang nagpositibo ang naospital, at pinakamataas ito sa kasaysayan.
 

Kapos sa higaan ang mga ospital sa maraming lugar, at lumalaki ang presyur sa medical resources.
 

Ipinalalagay ng dalubhasang Amerikano na ang pagsasapulitika ng pandemiya at kawalang-katiwala ng mga mamamayan sa bakuna kontra COVID-19 ay pangunahing sanhi ng paulit-ulit na paglala ng pandemiya sa Amerika.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method