Panibagong 1.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

2021-07-22 16:29:55  CMG
Share with:

Panibagong 1.5 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_215045570_4783526281708004_8331978613190635616_n

 

Dumating ngayong umaga, Hulyo 22, 2021, sa Ninoy Aquino International Airport ang bagong pangkat ng bakuna kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na binubuo ng 1.5 milyong dosis.

 

Ang mga ito ay bahagi ng mga bakunang binili ng pamahalaang Pilipino mula sa Sinovac ng Tsina.

 

Ang naturang pangkat ng mga bakuna ay sinalubong nina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr.

 

Ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19, darating pa bukas ang karagdagang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac.

 

Dagdag ng NTF, hanggang sa kasalukuyan, ganap nang nabakunahan ang mahigit 5 milyong Pilipino laban sa COVID-19, samantala naturukan naman ng unang dosis ng bakuna ang 9.7% populasyon ng bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan
Photo courtesy: PTV

Please select the login method