Ayon sa datos ng Ministri ng Komersyo ng Tsina nitong Martes, Agosto 10, 2021, mula noong Enero hanggang Hulyo, pawang naging pinakamataas kumpara sa gayun ding panahon sa kasaysayan ang kalakalang panlabas na nasa 24.5%, pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na tumaas sa 24.5% at 24.4%, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Ang bahagdan ng paglago ng kalakalang panlabas, pagluluwas at pag-aangkat ng bansa ay pinakamataas nitong nakalipas na 10 taon.
Ipinakikita naman ng estadistika ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang 7 buwan ng taon ito, umabot sa 21.34 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa, 11.66 trilyong yuan ang pagluluwas, at 9.68 trilyong yuan ang pag-aangkat.
Samantala, tuluy-tuloy na lumalakas ang bagong lakas-panulak ng pag-unlad ng kalakalang panlabas.
Ang sasakyang de motor na gamit ang bagong enerhiya ay nakapagpasulong sa paglago ng pagluluwas ng sasakyang de motor.
Mula noong Enero hanggang Hulyo, lumaki ng 102.5% ang pagluluwas ng sasakyang de motor kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at pinakamataas ang bahagdan nito sa gayun ding panahon ng kasaysayan.
Salin: Vera
Pulido: Mac