Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, pinasalamatan nitong Martes, Agosto 10, 2021 ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas ang ginawang papel ng Pilipinas bilang tagapagkoordina ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-China Dialogue Relations nitong nakalipas na 3 taon.
Saad ni Huang, noong isang linggo, matagumpay na ginanap ang ASEAN-China Ministerial Meeting sa pamamagitan ng video link.
Sinang-ayunan ng mga kalahok na ministrong panlabas na patuloy na palalimin ang kooperasyon kontra pandemiya, pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan, at panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Pinasasalamatan aniya ng panig Tsino ang ginawang napakalaking ambag ng Pilipinas sa pagpapasulong sa relasyon ng Tsina at ASEAN, lalong lalo na, sa pagkuha ng progreso sa konsultasyon ng Code of Conduct in the South China Sea (COC), sa panahon ng pandemiya.
Dagdag niya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na makipagkooperasyon sa panig Pilipino sa pagpapanatili ng mainam na tunghin ng naturang konsultasyon, at magpunyagi para sa mas maliwanag na kinabukasan ng relasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Vera
Pulido: Rhio