Hulyo 24, 2021, lunsod Chengdu, timog kanluran ng Tsina - Magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Shah Mahmood Qureshi, Ministrong Panlabas ng Pakistan, ang ikatlong round ng estratehikong diyalogo ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa.
Sinabi ni Wang, na itinuturing ng Tsina ang Pakistan bilang matalik na kapitbansa, kaibigan, kapatid, at katuwang.
Hinahangaan aniya ng Tsina ang pagkatig ng Pakistan sa mga isyung may kinalaman sa mga nukleong kapakanan ng bansa.
Kaugnay nito, sinusuportahan din ng Tsina ang Pakistan sa pangangalaga ng sariling soberanya, seguridad, at kapakanan sa pag-unlad, at pagpapatingkad ng mas mahalagang papel sa plataporma ng rehiyon at daigdig, dagdag ni Wang.
Binigyang-diin ni Wang, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagkooperasyon sa Pakistan sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lalung-lalo na sa aspekto ng bakuna.
Pasusulungin aniya ng Tsina, kasama ng Pakistan at komunidad ng daigdig, ang pagbalik ng pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus sa siyentipiko at tumpak na landas.
Ipinahayag din ni Wang ang pag-asang pasusulungin ng Tsina at Pakistan ang konstruksyon ng economic corridor ng dalawang bansa, at palalakasin ang kooperasyon sa imprastruktura, teknolohiyang pang-impormasyon, agrikultura, at ibang mga aspektong may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Qureshi, na ang pagpapalakas ng pagkakaibigan sa Tsina ay komong palagay ng Pakistan at pundasyon ng diplomasya ng bansa.
Aniya, binabatikos ng Pakistan ang lahat ng mga porma ng paninirang-puri sa Tsina, at sinasang-ayunan ang paninindigan ng Tsina sa pag-aaral sa pinagmulan ng coronavirus.
Umaasa si Qureshi, na matatamo ng Pakistan at Tsina ang mas malaking bunga sa konstruksyon ng economic corridor.
Aniya pa, nakahanda ang Pakistan, kasama ng Tsina, na pasulungin ang proseso ng kapayapaan at rekonstruksyon sa Afghanistan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan