Sa kasalukuyan, lumalala ng ika-4 na beses ang sitwasyon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika.
Ayon sa pinakahuling datos ng New York Times, noong isang linggo, lumampas na sa 118,000 ang karaniwang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Amerika kada araw, at mahigit 66,000 naman ang mga bagong naospital araw-araw.
Hanggang noong ika-11 ng Agosto, local time, lampas sa 36 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Amerika, at mahigit 610,000 ang mga pumanaw.
Kapuwa pinakamataas sa buong mundo ang nasabing dalawang datos. Nagpapatunay ito ng katotohanang inilarawan sa isang ulat ng pananaliksik ng tatlong think tank ng Tsina: ang Amerika ay dapat tawaging pinakamabigong bansa sa daigdig sa paglaban sa pandemiya.
Sa nasabing ulat na pinamagatang “Nangunguna ba ang Amerika? Katotohanan Hinggil sa Paglaban ng Amerika sa COVID-19,” ibinunyag ng mga dalubhasa’t iskolar ang tunay na kalagayan ng paglaban sa pandemiya ng Amerika, sa pamamagitan ng detalyadong datos at obdyektibong paninindigan.
Bilang isang superpower na may sapat na yamang medikal at kompletong sistema sa pangkagipitang pangangasiwa, bakit naging mahina ang Amerika sa harap ng pandemiya?
Kung sasariwain ang timeline ng Amerika sa paglaban sa pandemiya nitong nakalipas na mahigit isang taon, madaling gumawa ng konklusyon na ang pagpapauna ng mga pulitiko ng kapakanang pulitikal sa buhay ng mga mamamayan ay saligang sanhi ng pagkabigo nito laban sa pandemiya. Sa kagustuhang ipagpatuloy ng kanyang termino, paulit-ulit na binalewala ni dating Pangulong Donald Trump ang babala sa pandemiya, at sinadyang di pinaniwalaan ang panganib ng pandemiya.
Kasabay ng pagkalat ng coronavirus sa buong Amerika, halos lahat ng mga hakbangin kontra pandemiya na gaya ng nucleic acid testing, pagsuot ng mascara, pagpapanatili ng social distancing, pagbabakuna at iba pa ay kinidnap ng party politics.
Bukod sa di-nakontrol ng pamahalaang Amerikano ang pandemiya sa loob ng bansa, sinisira rin nito ang pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya.
Ang kabiguan ng Amerika sa paglaban sa pandemiya ay artipisyal na kapahamakan.
Pinuna ni epidemiologist William Foege ng Amerika na “Ito ay isang massacre!”
Nagkomento naman ang magasing The Atlantic ng Amerika na “Namumuhay kami sa isang bigong bansa.”
Salin: Vera
Pulido: Mac