Malaliman at matapat ang naging pagpapalitan ng kuru-kuro nina Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika at Wendy R. Sherman, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos sa kanilang pagtatagpo nitong Huwebes, Agosto 12, 2021.
Ani Ambassador Qin, ipinalalagay ng dalawang panig na napakahalaga ng bilateral na relasyon ng Tsina at Amerika, at kailangang resolbahin ang mga problema sa pamamagitan ng diyalogo at pag-uugnayan, mainam na kontrulin ang mga alitan at kontradiksyon, at pabutihin ang relasyon ng dalawang bansa.
Diin ni Qin, ang isyu ng Taiwan ay pinakamahalaga’t pinakasensitibong isyu sa relasyong Sino-Amerikano, at maliwanag na inilahad niya kay Sherman ang paninindigan ng panig Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Mac