Inanunsyo nitong Linggo, Agosto 15, 2021 ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng Pilipinas ang pagkatulas sa unang kumpirmadong kaso ng Lambda variant ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ang nasabing asimtomatikong kaso ay isang 35 taong gulang na babae, na gumaling matapos ang 10-araw na kuwarentenas.
Sinisiyasat ngayon ng mga tauhang pangkalusugan at medikal ang pinagmulan ng nasabing kaso.
Ayon sa datos ng DOH, 14,749 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, Agosto 15, 2021.
Ang bilang na ito ay ang pangalawang pinakamaraming bagong karagdagang kaso sa loob ng 24 oras, sapul nang sumiklab ang pandemiya.
Samantala, mahigit 1.74 na milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa bansa, at 30,340 naman ang pumanaw.
Upang makontrol ang mabilis na pagkalat ng pandemiya, isinailalim noong Agosto 6 sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang maraming kritikal na rehiyong kinabibilangan ng Metro Manila.
Salin: Vera
Pulido: Rhio