Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo

2021-08-18 14:45:14  CMG
Share with:

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 1

Sa ilalim ng temang“Worlds We Share,” ipininid ang ika-32 Summer Olympics sa Tokyo, Hapon, noong Agosto 8, 2021.

 

Ang mga katangiang taglay ng palakasan na gaya ng pagkakaisa, paggagalangan at pagkakaunawaan ay inaasahang muling isasalin at ipamamalas sa Beijing Winter Olympics na nakatakdang ganapin mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 20, 2022.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 2

 

Kinikilala ng United Nations 2030 Sustainable Development Goals ang palakasan bilang napakahalagang lakas-panulak para sa sustenableng pag-unlad at itinuturing din ito bilang tulay sa pagpapasulong ng kapayapaan, pagbibigayan at pagkakaunawaan. Dahil sa palakasan, nagtitipun-tipon ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang bansa, kultura at relihiyon.

 

Inaanyayahan namin kayong sulyapan ang mga makalaglag-pusong sandali sa katatapos na Tokyo Olympics.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 3

 

Nasungkit ni Lamont Marcell Jacobs (kanan) ang medalyang ginto sa men's 100-meter dash, na nakalikha ng kasaysayan para sa Italya. Samantala, ang manlalarong Tsino na si Su Bingtian ay humanay sa ika-6 na puwesto. Si Su ay unang Tsino at unang Aysanong pumasok sa finals ng larong ito sapul nang gamitin ang digital timer.

Habang nakabalabal ang kani-kanyang pambansang watawat, nagkamayan sina Jacobs at Su pagkaraan ng laro.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 4

 

Pagkaraan ng seremonya ng paggagawad ng medalya para sa badminton women's doubles, nagyakapan at sama-samang nagdiwang ang mga manlalarong sina Greysia Polii at Apriyani Rahayu mula sa Indonesiya (medalyang ginto), Chen Qingchen at Jia Yifan mula sa Tsina (medalyang pilak), at Kong Hee-yong at Kim So-yeong galing sa Timog Korea (medalyang tanso).

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 5

 

Sa pole vault finals, nagkampeon ang 21 taong gulang na si Armand Duplantis (kanan) na taga Sweden. Samantala, ang 34 taong gulang na Pranses na si Renaud Lavillenie (kaliwa), dating world record-holder at kampeon ng 2012 Olympics ay humanay lamang ika-8 puwesto dahil sa napinsala niyang  bukung-bukong. Pagkatapos ng laro, magkabalikat na lumabas mula sa pinagdarausan ang dalawang manlalaro.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 6

Masayang ipinagdiriwang ni Sun Yiwen ang pagkakasungkit ng medalyang ginto sa fencing - women's épée individual, kasama ng kanyang coach na Pranses na si Hugues Obry.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 7

Pinagsaluhan nina Gianmarco Tamberi (kanan), taga-Italya at Mutaz Essa Barshim (kaliwa), taga-Qatar ang medalyang ginto sa men's high jump.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 8

 Sa men's 800m semi-finals, makaraang magkabanggaan at madapa sa track sina Isaiah Jewett (kaliwa), taga-Estados Unidos at Nijel Amos (kanan), taga-Botswana, sila ay nag-high five at  magkasamang naglakad patungo sa finish line.

 

Kasabay ng pagpinid ng Tokyo Olympics, sasalubungin ng buong mundo ang Beijing Winter Olympics na idaraos makaraan ang anim na buwan. Ipinapangako ng Beijing na buong husay na itataguyod ang papalapit na olimpiyada para mapasulong ang pagkakaisa ng daigdig.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 9

Ang National Speed Skating Oval na binansagan din bilang“Ice Ribbon”ay matatagpuan sa Beijing Olympic Forest Park.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 10

Tanaw sa loob ng National Speed Skating Oval.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 11

Ang National Ski Jumping Center ay nasa Distrito ng Chongli, Lunsod Zhangjiakou, Lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina. Bukod sa Beijing, ang Zhangjiakou ay isa pang host city ng gaganaping Beijing Winter Olympics.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 12

Bird's eye view ng Zhangjiakou Winter Olympic Village

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 13

Mga manlalaro sa test program ng short track speed skating sa Capital Gymnasium, isa sa walong venue sa Beijing para sa 2022 Beijing Winter Olympic Games.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_138398991_15687265477811n

 

Ang mascot ng Beijing 2022 Olympic Winter Games na si Bing Dwen Dwen (kaliwa), isang animated giant panda, kasama ng mascot ng Beijing 2022 Paralympic Winter Games na si Shuey Rhon Rhon (kanan), isang animated red lantern.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 15

Mga mamamayang lokal na naglalaro ng ice hockey sa plasang nasa harap ng Drum Tower ng Beijing.

 

Mula 2020 Tokyo Summer Olympics papuntang 2022 Beijing Winter Olympics, tungo sa mas magkakabuklod na mundo_fororder_olympics 16

Ang mga bata mula sa Jize County, Lunsod Handan, Lalawigang Hebei habang nagsasanay ng roller skating. 

 

Editor/Salin: Jade

Pulido: Rhio

Espesyal na pasasalamat kay Liang Shuang

Please select the login method