Sa ika-47 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na ginanap sa Geneva mula ika-21 ng Hunyo hanggang ika-14 ng Hulyo, 2021, isinumite ng China Society for Human Rights Studies ang nakasulat na talumpati para ilahad ang ideya at praktika ng bansa sa usapin ng karapatang pantao, at batikusin ang mga masamang kilos ng Amerika sa usaping ito.
Batay sa nakararaming imbestigasyon at pananaliksik, pinuna ng nasabing talumpati ang pagbatikos ng mga bansang kanluranin sa umano’y “sapilitang pagtatrabaho” sa Xinjiang.
Anang talumpati, ang mga patakaran ng bansa sa Xinjiang at Tibet ay nagpatingkad ng mahalagang papel para sa pagpawi ng karalitaan at pagpapabuti ng kondisyon ng produksyon at pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ng talumpatina ang mga patakaran ng Amerika sa panahon ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay ibayo pang nagpasidhi sa di-pagkakapantay-pantay ng mga lahi.
Dapat tumpak na tingnan ng pamahalaang Amerikano ang katotohanang ito, ipakita ang mithiing pulitikal sa pagresolba sa kaukulang problema, at isagawa ang mabisang hakbangin, upang mapawi ang di-pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga lahi sa iba’t ibang larangan, diin ng talumpati.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Resolusyon hinggil sa pagbibigay-dagok sa sistematikong rasismo, pinagtibay ng UNHRC
Tsina sa mga bansang kanluranin: Gumawa ng hakbang para tugunan ang isyu ng rasismo
Resolusyong iniharap ng Tsina tungkol sa karapatang pantao, pinagtibay ng UNHRC
Double standard, laging giit ng mga bansang kanluranin — kinatawang Tsino