Sa pag-uusap sa telepono na ginawa nitong Agosto 27, 2021, nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, binanggit ng dalawang lider ang Belt and Road Initiative at Build Build Build.
Sinabi ni Pangulong Xi, na mabunga ang pag-uugnayan ng Belt and Road Initiative ng Tsina at Build Build Build ng Pilipinas. Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na isagawa ang mas maraming proyektong pangkooperasyon, para lalo pang makinabang ang kani-kanilang mga mamamayan sa kooperasyong Sino-Pilipino.
Sinabi naman ni Pangulong Duterte, na tinatanggap ng Pilipinas ang mas maraming pamumuhunan ng Tsina sa mga proyekto ng konstruksyon ng bansa, at inaasahan ang mas malaking bunga ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa imprastruktura.
Samantala, sinabi kamakailan ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na ang mga proyekto sa pagitan ng mga pamahalaan ng dalawang bansa ay pumasok sa “bagong yugto ng pag-aani.”
Sa administrasyon ni Pangulong Duterte, inilunsad at natapos ang 13 proyektong nagkakahalaga ng 120 milyong US dollar.
Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Sarangani
Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Agusan del Sur
Kabilang dito ang mga Dangerous Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center na naisaoperasyon noong Disyembre 2018 sa Sarangani at noong Abril 2019 sa Agusan del Sur.
Pagdating ng 600 libong dosis ng bakuna ng Sinovac, Pebrero 28, 2021
Pagdating ng 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinopharm, Agosto 20 at 21, 2021
Ang COVID-19 Vaccine Donation Project na dumating Pebrero 28, 2021, ang 600 libong dosis ng bakuna ng Sinovac at dumating noong isang linggo ang 1 milyong dosis ng bakuna ng Sinopharm.
Estrella-Pantaleon Bridge na bukas noong Hulyo 29, 2021
At ang Estrella-Pantaleon Bridge na bukas noong Hulyo 29, 2021.
Binondo-Intramuros Bridge Project
Kasabay nito, nasa implementasyon ngayon ang walong kooperatibong proyektong pampamahalaan ng Tsina at Pilipinas. Kabilang dito, ang pangunahing bahagi ng Binondo-Intramuros Bridge at Chico River Pump Irrigation Project ay inaasahang makukumpleto sa loob ng taong ito. Samantala, ang Philippine-Sino Center for Agricultural Technology-Technical Cooperation Program Phase III at ang Rice Donation Project ay nakatakdang matapos din ngayong taon.
Pirmado na ang mga kontratang komersyal at pinag-uusapan ang hinggil sa pagpapautang sa 4 na infrastructure projects, na kinabibilangan ng Samal Island-Davao City Connector Project, at Three Priority Bridges.
Editor: Liu Kai
Pinapalakas na relasyong Sino-Pilipino, inaasahan ng mga pangulo ng dalawang bansa
Tsina, nagkaloob ng karagdagang 1 milyong dosis ng libreng COVID-19 vaccines sa Pilipinas
Papel ng Pilipinas bilang tagapagkoordina ng ASEAN-China Dialogue Relations, hinahangaan ng Tsina
Estrella-Pantaleon Bridge na may ayuda ng Tsina, bukas na; Pangulong Duterte, dumalo sa inagurasyon