Makaraan ang tatlong buwang umano’y imbestigasyon sa pinagmulan ng coronavirus, isinapubliko kamakailan ng mga ahensiya ng intelehensya ng Amerika ang ulat, kung saan, makikita ang maraming salitang gaya ng “posible” at “siguro.”
Malinaw na ipinakikita ng nasabing ulat na wala itong substansyal na nilalaman.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paninirang-puri at pagkakaroon ng Amerika ng presumsyon ng kasalanan laban sa Tsina.
Walang duda, ang nasabing umano’y ulat ay bunga ng pagsasapulitika ng coronavirus origin tracing, at wala itong anumang batayang siyentipiko at kredibilidad.
Sa mula’t mula pa’y purong komedyang pulitikal lamang ang naturang imbestigasyon.
Naunawaan ng buong mundo na walang intensyon at kakayahan ang ilang pulitikong Amerikano na siyasatin ang pinanggalingan ng coronavirus.
Ang tunay nilang layon ay ibaling ang pananagutan ng sariling pagkabigo ng paglaban sa pandemiya sa ibang panig, ilihim ang sariling kahina-hinalang gawa kaugnay ng pandemiya, at dungisan at sugpuin ang Tsina.
Sa pangmalayuang pananaw, ang pagsasapulitika ng isyu ng origin tracing ay isang estratehiya ng komprehensibong paninikil ng Amerika sa Tsina.
Salin: Vera
Pulido: Rhio