990 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19, ipinagkaloob na ng Tsina sa buong mundo

2021-09-04 14:32:50  CMG
Share with:

Biyernes, Setyembre 3, 2021, sa seremonya ng paghahandog ng bagong batch ng mga bakuna at materyal kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na ipinakaloob ng pamahalaang Tsino sa Myanmar, inihayag ni Deng Boqing, Pangalawang Direktor ng China International Development Cooperation Agency, na ipinagkaloob na at ipinagkakaloob pa ng Tsina ang tulong ng bakuna kontra COVID-19 sa 105 bansa at 4 na organisasyong pandaigdig, at iniluluwas ngayon ang bakuna sa mahigit 60 bansa.
 

Aniya, umabot na sa 990 milyong dosis ang kabuuang bilang ng mga bakunang bigay ng Tsina, at nangunguna ito sa buong mundo.
 

Tinukoy niyang matapat ang kooperasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa paglaban sa pandemiya. Hanggang sa kasalukuyan, ibinigay ng pamahalaang Tsino ang maraming bakuna at materyal kontra pandemiya sa 10 bansang ASEAN, at ipinadala ang grupo ng mga dalubhasang medikal sa mga bansang gaya ng Pilipinas, Laos, Kambodya, Myanmar, Malaysia at iba pa.
 

Nakahanda aniya ang Tsina na patuloy na palakasin ang kooperasyon sa ASEAN laban sa pandemiya, at walang humpay na payamanin at palalimin ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method