Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina

2021-09-07 16:59:48  CMG
Share with:

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211160261836

 

Hinahati ng Nong Li o Tradisyunal na Kalendaryong Tsino ang isang taon sa 24 na solar term, at ang mga ito ay ginawa bilang mahalagang gabay sa mga gawaing pang-agrikultura, tulad ng pagpupunla, paglilinang, paglalagay ng pestisidyo, pag-aani, pag-iimbak at marami pang iba.

 

Hanggang sa ngayon, malaki ang pakinabang ng mga solar term sa mga Tsino, dahil ang mga ito ang nagsasabi kung kailan ihahain ang mga espesyal na pagkain, isasagawa ang mga kultural na seremonya’t pagtitipon, at marami pang iba.

 

Kaugnay nito, nagsimula ngayong araw, Setyembre 7 at tatagal hanggang Setyembre 22, 2021 ang ikalabinlima sa dalawampu’t apat na solar term ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino – ang Bai Lu.

 

Ito rin ang ikatlong solar term sa panahon ng Taglagas.

 

Literal na nangangahulugang“Puting Hamog”o“White Dew,”ipinahihiwatig ng pagsapit ng Bai Lu ang pagdating ng puting hamog sa gabi at umaga, at siyempre, maginaw na klima paglubog ng haring araw.

 

Dahil sa malamig na temperatura sa gabi, ang vapor o hamog sa hangin ay nagiging maliliit na butil ng tubig na siya namang pumapatak sa mga bulaklak, damo, at puno.

 

Kaya, sa pagsikat ng araw, kadalasang makikita ang mapuputi at mala-kristal na butil ng tubig mula sa hamog.

 

Sa pagsapit ng Bai Lu,  abala pa rin ang mga magsasakang Tsino sa bukirin sa pag-ani ng palay, mais, soya, bulak o paghahanda para sa pagtanim ng trigo, sa karamihan ng mga lugar sa bansa.

 

Dahil dito, lahat ng tatlong kabanata o Hou ng Bai Lu ay napapatungkol sa asal ng mga ibon na siya namang nagbibigay-hudyat sa mga tao hinggil sa paparating na Taglamig.

 

Ano ang tatlong ito?

 

Ang unang dalawang kabanata ay tinatawag na hóng yàn lái (鸿雁来), na nangangahulugang paglitaw ng mga ligaw na gansa; at xuán niǎo guī (玄鸟归) , na ang ibig sabihin ay pagpapakita ng mga itim na ibon o sparrow.

 

Ang dalawang nabanggit ay mga kilalang migratoryong uri ng ibon sa Tsina, at lumilipad patimog upang magpalipas ng Taglamig.

 

Kaya, ang paglitaw ng mga ibong ito ay isang hudyat upang paghandaan ang paparating na Taglamig.

 

Ang ikatlong kabanata ng Bai Lu ay tinaguriang qún niǎo yǎng xiū (群鸟养羞), at ito ay tungkol naman sa mga ibong hindi lumilipat ng tirahan tuwing Taglamig, at sa halip ay naghahanda at nag-iipon lamang ng makakain.

 

Tulad ng dalawang nabanggit na uri ng ibon, ang paglitaw ng mga ibong nangangalap ng pagkain ay isa pang hudyat na dapat nang maghanda para sa Taglamig.

 

Tradisyon at kagawian

 

Tuwing Bai Lu, may isang kawili-wili at kakaibang kagawian ang mga Tsino, at ito ay ang“Pagbibigay-pugay sa Bayaning Nagpatigil sa Baha.”

 

Ang baha ay bahagi ng mga sinaunang mitolohiya, kuwentong-bayan, alamat, at ibat-ibang relihiyon sa buong mundo: ang Tsina ay hindi naiiba sa aspektong ito.

 

Ayon sa kuwento, si Yu, na nagmula sa linya ng Huangdi o Dilaw na Emperador (pinaniniwalaang unang emperador ng sibilisasyong Tsino) ay gumawa ng maraming pagpupunyagi at sumailalim sa maraming pagsubok upang makontrol ang tubig-baha sa maraming lugar ng bansa.

 

Sa halip na harangin ang daloy ng tubig, gumawa siya ng paraan upang mailihis ang tubig-baha papunta sa karagatan.

 

Nagtagumpay man sa huli, hindi naging madali ang pagsasakatuparan ng layong ito, at kinailangan ni Yu ang 13 taon upang magtagumpay.

 

Mula noon, ibat-ibang seremonya at pag-aalay ang idinaraos ng mga tao bilang pagbibigay-pugay sa kanyang mabuting-gawa, ngunit, ang pinakakilala at pinaka-enggrande ay ang ginagawa tuwing panahon ng Bai Lu.

 

Bukod sa“Pagbibigay-pugay sa Bayaning Nagpatigil sa Baha,”isa ring kagawian ng mga sinaunang Tsino ang Pangongolekta ng mga Tubig-hamog mula sa dulo at laylayan ng mga dahon.

 

Ayon sa 本草纲目 (běn cǎo gāng mù o Compendium of Materia Medica), isang aklat ng herbolohiyang Tsino na isinulat ni Li Shizhen noong panahon ng Dinastiyang Ming (1368AD – 1644AD), ang tubig-hamog na natipon sa panahon ng Bai Lu ay hindi lamang isang gamot para sa lahat ng karamdaman o panacea, ito rin ay pampaganda at pampalinaw ng kutis.

 

Kaugnay nito, ang mga taga-Wenzhou sa lalawigang Zhejiang ay may mahabang tradisyon ng Pangangalap ng 10 halamang-gamot sa pagpasok ng Bai Lu.

 

Taglay ng 10 ito ang salitang“bai”sa kanilang pangalan, na nangangahulugang kulay puti.

 

Isang halimbawa ay ang 白木槿 (bai mu jin o puting hibiscus).

 

Naniniwala silang ang paglalaga (stew) ng mga ito, kasama ang manok o pato ay nagpapalusog ng katawan at gamot kontra rayuma.

 

Samantala, mayroon ding mga popular na larong pambata.

 

Sa lalawigang Shandong, gawing silangan ng Tsina, isang tradisyon ang Paglalaro ng Kariton na Hugis Tagak o“swallow cart”sa unang araw ng Bai Lu.

 

Kadalasang sarilinang ginagawa ng bawat pamilya, ang mga karitong ito ay itinutulak ng mga bata habang tumatakbo, at kung minsan ay nakakagawa pa ng kaaya-ayang huni.

 

Ang larong ito ay isang mainam na aktibidad para sa mga bata upang labanan ang lumalamig na panahon at magpapabuti ng kanilang kalusugan bilang paghahanda sa paparating na Taglamig.

 

Pagkain at inumin

 

Dahil sa“Autumn Dryness”o panunuyo tuwing Taglagas na hatid ng malamig na hangin, may mga taong nakakaranas ng ibat-ibang simtomas tulad ng makating lalamunan, pagdurugo ng ilong, at panunuyo ng balat. Kaya naman, ang pagpili ng tamang uri ng pagkain ay mainam sa panahong ito. Ayon sa Tradisyunal na Medisinang Tsino, ang Taglagas ay isang importanteng kabanata upang pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng baga, at sistema ng respirasyon.  Narito ang ilang pagkain at inuming popular tuwing Bai Lu.

 

· Samu’t saring prutas, gulay, at nuts

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211296500973

 

Ang Taglagas ay tinaguriang panahon ng pag-ani, at maraming prutas gulay at nuts ang hinog at mapipitas sa panahon ng Bai Lu.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211288548935

Mansanas

 

Ang panahon ng Bai Lu ay panahon ng ubas. Dagdag diyan, ang pagkain nito sa Taglagas ay mainam na pang-alis ng toxin at panlaban sa sobrang init sa loob ng katawan.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211246404372

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211315954085

 

Ang mga prutas na Longan sa panahon ng Bai Lu ay malalaki, matatamis, at katakam-takam. Kaugnay nito, isa nang tradisyon sa lunsod Fuzhou, lalawigang Fujian ang pagkain ng Longan sa unang araw ng Bai Lu bilang pampabuti ng kalusugan.  Naniniwala ang mga taga-Fuzhou, na ang pagkain ng Longan ay nakakapagpalakas ng lapay, nagpapaganda ng daloy ng dugo, nagpapakalma disposisyon, at nagpapaganda ng hitsura.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina

 

Naniniwala ang mga Tsino, na ang kamote ay isa sa mga pinakamainam na pagkain sa panahon ng Bai Lu.  Maliban sa pagiging mabisang gamot sa cancer, ayon sa Tradisyunal na Medisinang Tsino, ang kamote ay nakapagpapalakas din ng lapay, nagpapahaba ng buhay at nagpapaliit ng panganib sa pagkakasakit.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG21gic19866577

 

Ang Bai Lu ay panhon din ng pamimitas ng mga dates o jujube at walnut, dalawang masustansiyang pagkain na kinagigiliwan ng mga tao.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG211255032075

Dates o jujube 

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG41171150646

Mga walnut

 

· Tsaa ng Bai Lu

 

Ang tsaa sa panahon ng Bai Lu ay may kakaibang katangian kumpara sa tsaa tuwing Tagsibol, na karaniwang may malumanay na lasa at tsaa sa Tag-init, na kadalasang tuyo at may-kapaitan. Ang tsaa sa panahon ng Bai Lu ay manamis-namis at may matamis ding amoy, kaya, popular sa maraming Tsino ang pag-inom ng tsaa tuwing Bai Lu.

 

Bai Lu, pagdating ng puting hamog: malamig na gabi at umaga, sumapit na sa Tsina_fororder_VCG111347356929

Ang magsasakang si Li Qizhao habang namimitas ng tsaa sa panahon ng Bai Lu, sa Bundok Datu,Zhaoping County, Lunsod He, Rehiyong Autonomo ng Guangxi, Tsina. 

 

· Alak ng Bai Lu

 

Para sa mga Tsino, ang paggawa at pag-inom ng “Alak ng Bai Lu” ay isa nang tradisyon sa panahon ng Bai Lu, lalo na sa mga lalawigang gaya ng Hunan at Jiangsu. Ang alak na ito ay gawa sa mga butil na tulad ng malagkit na bigas, at gaoliang (isang uri ng sorghum). Manamis-namis ang lasa nito kaya paborito rin itong ihain kapag may bisita.

 

Artikulo: Rhio Zablan

Content-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

Source: Sarah/Jade 

Please select the login method