Sa 2021 CIFIT: oportunidad sa pagtutulungang pang-konstruksyon at pang-impraestruktura, isinusulong ng Pilipinas sa Tsina

2021-09-09 18:41:44  CMG
Share with:

 

Sa 2021 CIFIT: oportunidad sa pagtutulungang pang-konstruksyon at pang-impraestruktura, isinusulong ng Pilipinas sa Tsina_fororder_09102021-CIFIT-Construction-Forum-UIVV-Vizmonte-1024x577

 

Upang lalong mapalalim ang kooperasyong pang-konstruksyon at pang-impraestruktura sa Tsina, idinaos ng Pilipinas sa Ika-21 China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) ang Philippine Construction and Infrastructure Opportunities Investment Forum (PCIOIF), Setyembre 9, 2021, lunsod Xiamen, lalawigang Fujian.

 

Mismong si Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina ang nanguna sa on-site na delegasyong Pilipino.

 

Sa 2021 CIFIT: oportunidad sa pagtutulungang pang-konstruksyon at pang-impraestruktura, isinusulong ng Pilipinas sa Tsina_fororder_Ambassador-Sta.-Romana-1536x857

Ambassador Sta. Romana

 

Sa kanyang pambungad na talumpati, binigyang-diin ng embahador Pilipino ang matatag at mainam na relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Tsina.

 

Samantala, ipinahayag ni Ginoong Chen Ansheng, Deputy Director-General ng Department of Commerce ng lalawigang Fujian ang kaparehong komento, at pinapurihan ang mga pagtutulungan ng dalawang bansa.

 

Sa kabilang dako, kinilala ni Special Trade Representative Glenn Peñaranda ng Philippine Trade and Investment  Center – Beijing (PTIC-Beijing) ang ekstensibong kooperasyon ng Pilipinas sa Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina nitong mga nakaraang taon.

 

Sa 2021 CIFIT: oportunidad sa pagtutulungang pang-konstruksyon at pang-impraestruktura, isinusulong ng Pilipinas sa Tsina_fororder_PTIC-Beijing-Glenn-Peranada-1536x861

Glenn G. Peñaranda, Senior Trade Representative, PTIC Beijing

 

Sa katulad na paraan, ang mga malawakang proyektong pang-impraestruktura sa ilalim ng programang Build Build Build ng Pilipinas ay nakagawa aniya ng mas maraming oportunidad para sa pagtutulungan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

 

Sa kanya namang hiwalay na talumpati, ipinagdiinan ni Undersecretary Ireneo V. Vizmonte ng Department of Trade and Industry (DTI) ang malakas na pagnanais ng Pilipinas na makipagtulungan sa Tsina sa mga internasyonal at lokal na proyekto ng konstruksyon, partikular sa mga proyektong nangangailangan ng mga serbisyong teknikal at manedyeryal.

 

Ang konstruksyon aniya ay isa sa mga larangang nag-aambag ng malakas na pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas.

 

Bago manalasa ang pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang sektor na ito ay nagkaroon ng pangkaraniwang taunang paglaki na 10.3% mula 2015-2019, dagdag niya.

 

Ani Vizmonte, ito rin ang may pinakamataas na per unit investment generator para sa tuwiran at di-tuwirang empleyo, na nakapagbigay ng halos 4,000 trabaho kada PHP1 bilyong investment.

 

Patuloy aniyang nagsasagawa ng reporma ang pamahalaang ng Pilipinas upang maitatag ang mainam na klima ng pagnenegosyo at pamumuhunan na mabuti sa industriya ng konstruksyon, kaya inanyayahan niya ang mga kompanyang Tsino na magnegosyo sa bansa.

 

 “Ang paggawa sa Pilipinas ay magbibigay rin sa inyong mga kompanya ng mga preperensiyal na trato mula sa ibat-ibang ekonomiya, lalung-lalo na mula sa Amerika at Unyong Europeo,” pagmamalaki pa ni Undersecretary Vizmonte.

 

Samantala, nagpalitan ng pananaw at masinsinang nagdiskusyon ang mga kalahok na opisyal mula sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor  hinggil sa mga oportunidad na alok ng Pilipinas sa konstruksyon at impraestruktura, at kabilang dito ay sina: Isidro A. Consunji, Tagapangulo ng Philippine Overseas Construction Board; Engineer John Amiel S. Fernandez mula sa Department of Public Works and Highways; Binibining Maria Isabelle Climaco-Salazar, Alkalde ng Zamboanga; Ginoong Yan Lijin, Pangalawang Pangulo ng China Urban Infrastructure Chamber of Commerce; at Ginoong Yan Shijia, Pangalawang Pangulo ng Chinese Association of Construction Enterprises.

 

Sa ilalim ng temang“Introducing FDI”and“Going Global,” idinaraos sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, Tsina mula Setyembre 8 hanggang Setyembre 11, 2021 ang China International Fair for Investment and Trade (CIFIT).

 

Ang CIFIT 2021 ay nakatuon sa  panloob at pandaigdig na oportunidad para sa pagpo-promote at pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan.

 

Ang CIFIT ang siya ring pinakamalaking pandaigdigang kaganapang pampamumuhunan na aprubado ng Global Association of the Exhibition Industry.

 

Sa taong ito, ang partisipasyon ng Pilipinas ay naka-angkla sa kampanyang “Make It Happen in the Philippines,” na nakapokus sa walong pangunahing sektor: Manufacturing, IT-BPM, Hyperscalers, Innovation and Digital Technologies, Agri-business, Real Estate Development, Renewable Energy, and Infrastructure.

 

Ang kampanyang“Make It Happen in the Philippines,”ay base sa masipag at pleksibleng karakteristiko ng mga manggagawang Pilipino. 

 

Ulat: Rhio Zablan

Content-edit: Jade/Rhio

Web-edit: Jade/Sarah

Larawan: PTIC China

Please select the login method