Iba’t ibang bansa, dapat mabilis na kumilos para mabawasan ang pinsala at pag-aaksaya sa pagkaing-butil—Xi Jinping

2021-09-10 16:05:51  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala Biyernes, Setyembre 10, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa International Conference on Food Loss and Waste.
 

Tinukoy ni Xi na ang seguridad ng pagkaing-butil ay saligang isyung may kinalaman sa buhay ng sangkatuhan, at ang pagbabawas sa kapinsalaan at pag-aaksaya sa pagkaing-butil ay mahalagang paraan sa paggarantiya sa seguridad ng pagkaing-butil.
 

Aniya, sa kasalukuyan, kumakalat sa buong mundo ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVD-19), at nahaharap sa hamon ang seguridad ng pagkaing-butil.
 

Dapat mabilis na kumilos aniya ang iba’t ibang bansa para tunay na mabawasan ang pinsala at pag-aaksaya sa pagkaing-buti ng daigdig.
 

Umaasa aniya siyang gagawing pagkakataon ng iba’t ibang panig ang nasabing komperensya, ipapatupad ang 2030 Agenda for Sustainable Development, at magbibigay ng ambag para sa pagsasakatuparan ng target ng kawalang kagutuman at kahirapan, pangangalaga sa seguridad ng pagkaing-butil ng daigdig, at pagpapasulong sa pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Ang nasabing komperensya ay binuksan ngayong araw sa Jinan, Lalawigang Shandong ng Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method