Kasalukuyang idinaraos sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-18 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS).
Hanggang noong Setyembre 11, 2021, 179 na proyektong nagkakahalaga ng mahigit 300 bilyong Yuan, RMB ang nalagdaan.
Ito ay bagong rekord kumpara sa mga nakaraang CAExpo.
Ang nasabing 179 na proyekto ay sumasaklaw sa mga larangang gaya ng elektronikong impormasyon, digital na ekonomiya, pagtitipid ng enerhiya at pangangalaga ng kapaligiran.
Salin: Lito
Pulido: Rhio
Kooperasyong Sino-ASEAN sa koryente, walang humpay na lumalawak
CMG Komentaryo: Masiglang kooperasyong Sino-ASEAN, malakas na tugon sa panunulsol na panlabas
Relasyong Sino-ASEAN, mahalagang puwersang tagapagpasulong sa rehiyong Silangang Asyano
Tsina at ASEAN, patuloy na susuportahan ang multilateralismo at malayang kalakalan