Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas

2021-08-20 08:44:33  CMG
Share with:

 

Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_微信截图_20210820102259

 

Tinanggap nitong Huwebes ng gabi, Agosto 19, 2021 ng Pilipinas ang karagdagang tatlong milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac.

 

Ito ang pinakamalaking hatid ng bakuna na binili ng pamahalaang Pilipino. Bahagi rin ito ng 26 na milyong dosis na order ng Pilipinas.

 

Sa panayam ng PTV, ipinahayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang lubos na kagalakan sa pagdating ng bagong batch ng Coronavac, brand name ng Sinovac.

 

Karagdagang 3 milyong dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas_fororder_微信截图_20210820094600

 

“We are so happy that we were accommodated by the Sinovac Biotech Ltd. na talagang mabigyan tayo ng 3 million kasi kailangang-kailangan talaga natin sa mga probinsya,” ani Kalihim Galvez.

 

Saad ni Galvez, ipamimigay ang mga bagong dating na bakuna sa lahat ng rehiyon ng bansa para mapataas ang vaccination coverage at maisakatuparan ang herd immunity ng Pilipinas sa darating na Disyembre.

 

Dahil sa muling pagdami ng mga kasong dulot ng ilang variant ng COVID-19, napagpasiyahan ng pamahalaang Pilipino na pag-ibayuhin ang pagbili ng mga bakuna.

 

Ayon kay Galvez, kasabay ng pagdating ng pinakahuling batch ng bakuna, ang naturang 26 na milyong na order ng Sinovac ay inaaasahang matatapos ihatid sa bansa sa Biyernes, Agosto 20, 2021.

 

Higit pa rito, mayroong karagdagang tatlong milyong bakuna ng Sinovac, at panibagong 10 milyon para sa Setyembre, kasama ng siyam na milyon pa para sa Oktubre, dagdag pa ni Galvez.

 

Isang milyong dosis ng donasyong bakuna laban COVID-19 na gawa ng Sinopharm ang nakatakdang dumating ng Pilipinas sa pamamagitan ng dalawang batch sa Biyernes, Agosto 20 at Sabado, Agosto 21.

 

Ito ang ipinahayag nitong Huwebes ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas.

 

Mahigit 50% ng suplay ng bakuna ng Pilipinas ay galing sa Tsina, ani Huang.

 

Ang Tsina ay ang unang bansang nagkaloob ng bakuna sa Pilipinas at nagsisilbi rin ito bilang pangunahing partner na laging nagpapauna ng paghahatid ng mga bakuna sa Pilipinas, dagdag pa ng sugong Tsino.

 

Edit/Salin: Jade

Pulido: Mac

Photo courtesy: PTV 

Please select the login method