Countdown para sa Ika-4 CIIE, inilunsad

2021-09-17 13:17:19  CMG
Share with:

50 araw na lang at magsisimula na ang Ika-4 na China International Import Expo (CIIE). Isang news briefinng ang idinaos nitong Setyembre 16, 2021 para ibahagi ang hinggil sa lagay ng paghahanda ng nasabing gaganaping ekspo.

Countdown para sa Ika-4 CIIE, inilunsad_fororder_20210917CIIE1550

Ayon sa news briefing, lumampas sa 360 libong square meters ang saklaw na pang-eksibisyon ng mga kompanya at mangangalakal sa Ika-4 na CIIE. Sa ekspong ito, gagamitin ang 14 na bulwagang pang-eksibisyon sa Shanghai National Exhibition and Convention Center (NECC Shanghai). Lalahok dito ang top-500 bahay-kalakal sa buong daigdig.

Countdown para sa Ika-4 CIIE, inilunsad_fororder_20210917CIIE2550

Bukod dito, malalampasan ng bilang ng mga kompanya sa Ika-4 na CIIE kumpara sa nagdaang taon. Lumaki ng 30% ang bilang ng mga lalahok na katamtama’t maliit na bahay-kalakal sa loob at labas ng Tsina kumpara sa tinalikdang taon.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method