Ligtas na bumalik sa planetang Mundo, ngayong araw, Setyembre 17, 2021, ang tatlong astronaut ng Tsina, na sina Nie Haisheng, Liu Boming, at Tang Hongbo, pagkaraang matagumpay na isagawa ang kauna-unahang misyon ng bansa para sa konstruksyon ng space station.
Sakay ng return capsule ng Shenzhou-12 manned spaceship, lumapag sila sa Dongfeng landing site sa Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia ng Tsina.
Mula noong Hunyo 17, 90-araw na namalagi at nagtrabaho ang naturang tatlong astronaut sa space station ng Tsina.
Ito ay bagong rekord sa pananatili ng mga astronaut ng Tsina sa orbita ng Mundo, sa loob ng isang misyon.
Samantala, patuloy na itinatayo ang space station ng Tsina.
Kaugnay nito, isasagawa ang walo pang ibang misyon, na kinabibilangan ng tatlong manned mission, para matapos ang nasabing konstruksyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos